OH AKING IROG HANGANG KAIBIGAN NALANG BA TAYO?















 Hangang kaibigan nalang ba

Mag-kaibigan o magkaibigan?
Isang daang araw na aking pinagisipan,
 Ano ba ang dapat kong panigan
 Pintig ng puso o isipan ?

 Pag-ibig sa ilalim ng tugmang salita
 O pagibig na di masabi sa takot na sakin ka’y mawala.
 Ikaw ang aking pangarap na
 sadyang di maabot-abot na parang tala .

Ikaw ang aking langit
sa impyernong buhay na sinasapit.
 Kung ika’y sa akin ay mawawalay
 Mundo ko’y sadyang pinagnakawan ng kulay.

 Siya’y tala sa langit ,
Ako’y sarangola ng lupa.
Kaya bang umabot ang aking pag-ibig
 mula lupa hangang langit?

 Hangang kaibigan nalang nga!
 Hindi ko pa nasabi
 Lumayo na siya sa akin.
 Lintik ka , Paasang kupido!
 Hinayaan mo akong umibig sa taong

nanakawin lang ni kamatayan sa mundo.







Disclaimer: The picture that I used in my post is not mine and I don't own it 

Comments

Popular Posts